ARDCI Micro-Insurance Benefits, mas pinaganda
Mahigit P31 Milyon nang insurance benefits ang natanggap ng mga miyembro ng ARDCI sa kasalukuyan.
Marami na ang natulungan ng produktong ito, ang ilan sa kanila ay tumanggap ng mahigit P200,000.00 upang maibsan ang dalamhating dulot ng 'di inaasahang pagpanaw ng mahal sa
buhay at upang matulungang makabangon ang naulilang pamilya sa gitna ng ganitong klaseng trahedya.
Pero marahil ay lingid sa kaalaman ng karamihan sa ating mga kababayan ang tungkol sa micro-insurance na isa sa mga produktong isinusulong ng ARDCI.
ANO BA ANG MICRO-INSURANCE NG ARDCI?
Sa maikling saysay, ang micro-insurance ng ARDCI ay ang pagbibigay ng mga miyembro ng maliit na kontribusiyon o premium kapalit ng benepisiyong pinansiyal na tutugon sa mga 'di
inaasahang kalamidad tulad ng pagkamatay ng miyembro o asawa't magulang nito, pagkabaldado sanhi ng aksidente, pagka-ospital dahil sa sakit o aksidente, at seguro sa kanilang kapital o utang.
SEGURO SA PAGKAMATAY
Depende sa sanhi ng pagkamatay, edad ng miyembro at tagal ng pananatili nito sa ARDCI, narito ang mga benepisiyong iginagawad ng micro-insurance program:
1. Kapag miyembro mismo ang namatay:
a. Sanhi ng aksidente: P25,000 - P200,000
b. Hindi sanhi ng aksidente: P15,000 - P100,000
c. "Instant Abuloy" (namatay sa aksidente man o hindi): P5,000 - P10,000
2. Kapag asawa o magulang ng miyembro ang namatay:
a. Sanhi ng aksidente: P10,000 - P100,000
b. Hindi sanhi ng aksidente: P10,000 - P100,000
SEGURO SA PAGKA-BALDADO SANHI NG AKSIDENTE
1. Kapag ang aksidente ay nag-resulta sa pagkabaldado (total & permanent disability):
a. Miyembro: P25,000 - P100,000
b. Asawa o Magulang (18-65 taong gulang): P15,000 - P25,000
SEGURO SA PAGKA-OSPITAL SANHI NG AKSIDENTE
Ang micro-insurance ay nagbibigay ng "Accidental Medical Reimbursement" kung ang miyembro o asawa't 'dependent' nito ay naospital dahil sa aksidente. Ito'y may maximum na P15,000/taon sa miyembro at P5,000/taon sa asawa o 'dependent.'
Kasabay nito ang "Hospital Income Benefit" na P200/araw mula 10 hanggang 30 araw kada taon (para sa mga miyembro lamang at depende sa edad).
SEGURO SA KAPITAL O PAGKAKAUTANG
Sa pamamagitan ng Center Group Life Insurance o CGLI, binabayaran nang buo ang utang ng miyembro sakaling mamatay ito nang hindi pa natatapos magbayad ng utang.
EXTRANG BENEPISIYO
Liban sa mga benepisiyong ito ay nagbibigay din ang ARDCI ng tulong pinansiyal sa mga miyembrong apektado ng kalamidad tulad ng sunog, baha, bagyo at lindol.
At kamakailan lang ay nagpasa ng resolusiyon ang Board of Trustees na nagbibigay ng P5,000 sa mga miyembrong may edad 75 pataas at kinokonsiderang retirado na sa ARDCI.
PAGSIBOL NG ARDCI MUTUAL BENEFIT ASSOCIATION
Sa ngayon ay kabalikat ng ARDCI ang Country Bankers Life Insurance Corporation o CBLIC sa pagpapalakad ng programang ito, ngunit sa kalaunan ay itatag ng ARDCI ang sarili nitong
Mutual Benefit Association o MBA na mag-isang magpapalago ng programa at magiging kabilang sa ARDCI NGO Group.
Pangarap ng ARDCI na mas madagdagan pa ang mga benepisiyong natatanggap ng mga miyembro mula sa micro-insurance. At ito'y unti-unting maisasakatuparan sa patuloy na
pagkalinga at pagtangkilik ng mahigit 56,000 miyembro ng organisasiyon.
SAMANTALA, MAGANDANG BALITA NA NAMAN!
Pinarangalan kamakailan si Belen Bonifacio, miyembro ng ARDCI, sa ginanap na MSME Forum at EntrePinoy Awards, bilang Most Outstanding Catandungan EntrePinoy sa larangan ng processed foods.
Si Belen ay isa lamang sa marami pang miyembro na nagsumikap at nakapagtatag ng sariling negosyo sa tulong ng ARDCI, pati na rin ng DTI. Nananatiling matatag ang kanyang Pasalubong
Shop kung saan mabibili ang kanyang espesiyal na mga pili products kahanay ng samut-saring mga produktong gawa sa Catanduanes.
Congratulations, Belen! WE ARE PROUD OF YOU!