ARDCI LINE
| NEWS & FEATURES |
Official Website of ARDCI NGO GROUP INCORPORATED 2011. All rights reserved
Developed and Maintained by ARDCI MIS TEAM
Ginawaran ng Certificate of Recognition at regalong P2,000 ni OIC CEO Vic Bernal si Belen Bonifacio bilang pagkilala ng ADCI sa Most Outstanding Catandungan EntrePinoy. Belen Bonifacio (Pangalawa mula sa kanan). Kasama sa larawan ang esposo ni Belen at DTI Regional Director Jocelyn Blanco.
Gusto mo bang maging Community Development Officer "CDO"?

Habang lumalaki ang ARDCI at lumalawak ang sakop nitong mga Area sa Bicol at mga karatig rehiyon ay patuloy itong nangangailangan ng mga "katuwang sa Kabuhayan." Particular dito ay ang mga Community Development Officers o CDO.

Kumbaga sa giyera, sila ang mga nasa gitna ng labanan, nangunguna sa kampanya kontra kahirapan, at siyang may direktang relasyon at komunikasyon sa mga mahihirap na nais matulungan ng organisasyon.
Sila ang mga maituturing na bayani sa ating laban kontra sa kahirapan at misyon tungo sa kaginhawaan.

HINDI MASUSUKAT NA RESPONSIBILIDAD

Sa CDO nakasalalay ang tagumpay o pagbagsak ng mga grupong SLS "Savings and Loan System" sa mga barangay. Ang isang SLS ay binubuo ng hindi bababa sa 30 miyembro, at ang isang CDO ay kadalasang humahawak ng mahigit sampung SLS. Itoy kanyang inaalagaan at pinagsisilbihan lingu_lingo.

Tinitiyak ng CDO na gumugulong ang mga munting negosyo ng mga miyembro at mapakikinabangan nila nang husto ang mga produkto at serbisyong bukas para sa kanilahanggang magkaroon sila ng matatag na kondisyong pinansyal.
Ito na marahil ang isa sa pinakamalaking responsibilidad na puwedeng ipatong sa balikat ninuman.

MATATAG AT LUMALAKAS ANG ARDCI DAHIL SA CDO

Kapag mahusay, masipag dedikado, mapagkakatiwalaan, at may puso para sa mga mahihirap ang CDO, malaki at makabuluhan an gang pagbabagong maidudulot nito sa kumunidad, at pati na rin sa organisasyong kanyang kinabibilangan.

Kung kayat ang patuloy na tagumapy ng ARDCI sa halos 13 taong operasyon nito ay sumasailalim sa kalidad ng mga CDOng ditoy nagtatrabaho.

GUSTO MO BANG MAGING CDO?

Ang pagiging CDO ay isang napakagandang oppurtinidad para sa ating mga kabataang nais magkaroon ng makabuluhang karera.
Kung ikay may puso para sa mga mahihirap at nais makatulong sa komunidad, magandang simula ang pagiging CDO sa ARDCI.

Itoy napatunayan na ng maraming empleyado nitong nagsimula sa pagiging CDO hanggang sa humawak na ng mas mataas na posisyon at nakaukit ng kalugod_lugod na record at karera, di lang sa organisayon kundi pati na rin sa pusot damdamin ng mga miyembro.

PAANO MAGING CDO?

Kung tapos ka ng kolehiyo, ipasa ang iyong "application letter" kasama ang iyong  "bio data" "transcript of records" at kopya ng diploma. Ipakita sa "bio data" ang iyong mga karanasan sa trabaho kung meron man, pati na rin ang mga pagsasanay o "training" na napagdaanan.

    Ipadala ang sulat sa address na ito:

VICTOR T. BERNAL
OIC CHIEF EXECUTIVE OFFICER
ARDCI NGO GROUP INC.
Former Chinesse School Bldg..Sta, Elena, Virac, Catanduanes

Kung napagtanto na ikay  puwede sa posiyon, ikay dadaan sa pagsusulit at interbiyu. Kapag naipasa mo ang naturang bahagi, ikay sasailalim sa isang buwang pagsasanay kung saan matututunan mo ang lahat ng kelangan mong malaman sa operasyon ng ARDCI, particular sa trabaho ng CDO. Ang isang buwang "training" na ito ay may kaukulang munting "transportation allowance".

Dapat tandaan na mas mainam kung ikay may lisensya na sa pagmamaneho, at kung ikaw ay may potensyal na matatnggap ngunit wala pang lisensya, itong isang buwang "training period" ay siya ring pagkakataon mong  kumuha ng lisenya sa LTO. Mas lalo pang mainam kung ikay may sarili nang motor na gagamitin.

Kapag naipasa mo ang pagsasanay, ikay magsisimula na bilang "probationary CDO" sa loob ng anim na buwan. Sapat na panahon ito para ipakita mo ang iyong husay, dedikasyon, at sipag sa trabaho upang maging isang "full pledge" CDO.

Medyo tiyagaan ang proseso ng pagiging CDO. Itoy dahil napaka_importante ng posisyong ito sa ARDCI. Pero kapag ikay nahasa nang husto sa posiyon, malaki at mabilis ang oportunidad para sa "promotion".

MUNTING BABALA
   
Kung ikay pa sosyal, mahilig magsugal at medyo waldas sap era, mas mabuting pag-isipan nang maigi kung nais mong maging bahagi ng organisasyong ito.

Napaka-importante para sa ARDCI na ang posisyong ito ay hinahawakan ng isang taong mapagkakatiwalaan, hindi maluho kundi simple lang mamuhay, at may tunay na malasakit sa mga mahihirap.

At dapat handa kang magtrabaho saan mang lupalop ng Pilipinas ka ibato ng organisasyon. Gaya ng una nang nabanggit, ang CDO ay tila sundalo na kayang sumabak kahit kelan, kahit saan.