VISIONBANK MAY TANGGAPAN NA SA VIRAC
Para sa mga tagatangkilik at mga miyembro ng VisionBank, tiyak na matutuwa kayo sa pagbubukas ng tanggapan ng bangko sa Virac simula sa darating na biyernes, ika-15 ng hulyo ngayong taon.
Ito'y tatawaging OTHER BANKING OFFICE at ito'y tatanggap ng mga transaction para sa mga miyembro, kliyente, at sa mga nais kilatisin at subukan ang mga serbisyo at produktong inaalay nito.
Matatagpuan ang naturang tanggapan sa tapat lamang ng Rakdell Inn sa sentro mismo ng Virac.
Bangkong maipagmamalaki ng bawat Catandungeño
Para sa mga kababayan nating hindi pa gaano kilala ang Vision Bank, ito ay itinatag ng ARDCI noong Styembre 2002 sa Bato, Catanduanes at itinuturing na PINAKA UNANG MICROFINANCE ORIENTED BANK SA PILIPINAS matapos maipasa ang Rural Banking Act of 2000.
Dahil ito'y itinatag ng ARDCI, ang VisionBank ay kumakatawan sa lahat n gating mga kababayang Catandungeño at maituturing na isa sa mga pinakamahalaga at pambihirang bagay tagumpay ng Catandaunes lalo na sa larangan ng mga programang laan para sa mga mahihirap.
Nagdala ito ng karangalan sa ating lahat kung kaya't pwde natin itong ipagmalaki at dapat tangkilikin.
VISIONBANK PARA SA KOMUNIDAD
Malaki rin ang nai-aambag ng VisionBank para sa komunidad lalo na sa munisipyo ng BAto, kung saaan ito nagbabayad ng taunangbuwis at permiso municipal.
Nagiging buhay din ang ilang mga munting negosyo rito tulad ng transportasyon, mga kainan at tindahan, pati na rin para sa mga local na mangangalakal. Ang ilan ding empleyado nito ay mula sa munisipyo ng Bato.
Higit sa lahat marahil, ay ang karangalang naibigay nito sa munisipyo bilang kandungan ng kaunaunahang bangkong naipundar n gating mga kababayan sa Catanduanes at gaya nga ng nasabi, ng kauna unahang bangkong microfinance sa Pilipinas.
Malaki rin naman ang ambag ng local na pamahalaan ng Bato sa tagumpay ng VisionBank dahil pinahintulutan nitong maitayo ang bangko at manatili sa loteng pagmamay-ari ng LGU nang libre ayon sa kasunduang ipinagtibay sa pagitan ng dalawa noong taong 2000.
Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan at mga miyembro ng ARDCI at VisionBank sa LGU-Bato, lalo na sa patuloy nitong suporta.
VISIONBANK SA NGAYON
Ang kaibahan ng VisionBank sa karamihan ng mga bangko rural ay ang mga produkto nitong laan para sa mga mahihirap nating mga kababayang nais magpundar ng munting negosyo at nangangailangan ng puhunan. Mahigit tatlng libo nang mga miyembro ang pinagsisilbihan niton sa mga munisipyo ng Bato at Virac mula pa nang ito'y itinatag.
Tulad ng ARDCI "Savings and Loan System" o SLS, ang mga miyembro ng VisionBank ay mern ding "Savings" o impok nap era at life and accident insurance liban syempre sa mga produktong pautang.
Patuloy rin ang serbisyo ng VisionBank sa iba ating mga kababayang hindi miyembro ng mga SLS tulad ng mga negosyante, mga empleyado, at iba pang pribadong indibidwal.
Ito'y nananatiling matatag ayon sa panuntunan ng BAngko Sentral ng Pilipinas na siyang nangangasiwa sa mga kaukulang regulasyon at siyang nagbibigay ng grado sa mga bangkong tulad ng VisionBank.
Sa matagal nang panahon ay nananatiling mataas ang "rating" ng VisionBank sa mata ng BSP.
MALASAKIT NG MGA MIYEMBRO AT KAWANI NITO
Ang patuloy na tagumpay ng VisionBank ay nagmumula sa malasakit at walang pag-iimbet na dedikasyon ng mga miyembro, pati na ng mga kawani nito, suporta ng mga local na pamahalaan, at siyempre, sa patuloy na pagtangkilik nating mga Catandungeño.