ARDCI LINE
| NEWS & FEATURES |
Official Website of ARDCI NGO GROUP INCORPORATED 2011. All rights reserved
Developed and Maintained by ARDCI MIS TEAM
Ginawaran ng Certificate of Recognition at regalong P2,000 ni OIC CEO Vic Bernal si Belen Bonifacio bilang pagkilala ng ADCI sa Most Outstanding Catandungan EntrePinoy. Belen Bonifacio (Pangalawa mula sa kanan). Kasama sa larawan ang esposo ni Belen at DTI Regional Director Jocelyn Blanco.
Miyembro tumanggap ng P100,000 mula sa ARDCI micro insurance

Para sa isang pamilyang umaasa sa mga maliliit na negosyo at nagsusumikap makamit ang kinabukasang Malaya sa kahirapan, malaking dagok ang di inaasahang pagkawala ng padre de familia dahil sa isang aksidente.

Ito ang nangyari sa pamilya ng isang ARDCI member na si Nonita Camacho (hindi tunay na pangalan para sa kanilang seguridad) kamakailan lamang.

Nasa bahay si Nonita nang ginulantang siya ng balitang naaksidente ang kanyang mister. Dali dali nila itong isinugod sa ospital pero itoy binawian ng buhay pagkaraan ng dalawang oras.

Bata pa ang mag asawang Camacho at silay may limang anak. Si Noemi ay gumagawa at nagbebenta ng nipa shingles o tiklad "sa Bicol'.

BUTI NALANG AT MIYEMBRO SI NONITA

Nagsimula si Nonita bilang miyembro panahon pa ng Catag. Saglit na naputol ang kanayang membership ngunit bumalik siya at patuloy na yumayakap sa mga alituntunin ng organisasyon.

Quality member na maituturing si Nonita. Mahusay magplano ng kanyag negosyo at maingat sa paggamit ng kanyang perang inuutang, habang walang humpay sa pag iimpok ng pera at paghulog sa micro insurance. Buti nalang ika ni Nonita miyembro pa ako ng ARDCI ngayon.

ISANG MAGANDANG SORPRESA

Halos isang lingo lamang ang makalipas ang trahedya sa buhay ni Noneta nang siyay inanyayahang pumunta sa tanggapan ng ARDCI sa Virac upang maki pag ugnayan sa micro insurance unit.

Itoy matapos niyang ipasa ang mga kaukulang papeles hinggil sa claim na pinuproseso ng ARDCI katambal ang Country Bankers Life Insurance Corporation o CBLIC.

Alam ni Nonita na mayroon siyang makukuha mulasa insurance pero nagulat siya nang iabot sa kana yang tsekeng nagkakahalaga ng P100,000. Hindi niya inaasahang ganito pala ang kalaki ang makukuha niya alinsunod sa patakaran ng insurance system ng ARDCI.

"napakalaking tulong nito samin" ika niya. "lubos ang pasasalamat ko bilang miyembro ng ARDCI. Hindi ito kayang ibigay ng ibang organisasyon, kaya sulit na sulit  ang pagiging tapat kong miyembro."

Tuwang sa kabuhayan, seguridad sa buhayhindi nag iisa si Noneta. Marami na ang nakinabang sa insurance system ng ARCI at tiyak na marami pa angmatutulungan nito.

Inaasahang mas maganda pa ang mga produktong insurance ng ARDCI sa darating na panahon, lalo na kapag hinawakan n ito nang buo ang sistemang ito.

Patuloy  na naniniwala ang ARDCI na ang insurance ay hindi lamang para sa mga may kaya.
P10,000 para sa mga miyembrong 75 anyos

Isa  sa mga patakaran ng ARDCI ay ang pagtatapos ng membership kapag umabot na sa edad na 75 ang miyembro. Exit age  ang tawag dito.

Dati ay walang naibibigay na "pabaon" para sa mga naturang miyembro kapag sila ay retired na ikanga.
Di naglaon ay naipasa ang mungkahing bigyan sila ng P5,000 kapag naabot nila ang exit age.

Pero kamakailan lang ay inaaprubahan ng pamunuan ng ARDCI ang mungkahing dagdagan ang pabaong ito, kung kayat sa ngayon ay nakakasiguro ang mga miyembro na silay makatatanggap ng P10,000 sa panahong sila ay nasa exit age na.

NAGAGAWA ANG MGA SERBISYONG ITO DAHIL NA RIN SA MGA MIYEMBRO    

Ang patuloy na paghubog ng ganitong mga benipisyo ay naisasakatuparan dahil na rin sa katapatan at patuloy na pagmamahal ng mga miyembro sa organisasyon.

Dahil sa pagmamahal na ito ay patuloy na nagiging matatag ang ARDCI. Tunay na nag buhay ng ARDCI ay nasa mga mabubuting mga miyembro.