Mula sa isang munting makinang pandagat hanggang sa limang Bangka, sari-sari store at babuyan
Hindi matatwaran ang kakayahan at husay ng Catandunganon sa disiplinadong paggamit ng perang puhunan para mapalago ang sariling negosyo at mapaayos ang kalagayan ng pamilya.
Ito ang pinakita ng marami sa mga miyembro ng ARDCI sa mahabang panahong paninilbihan nito sa Kabikolan. At isa sa mga napaka-espesyal na miyembrong patuloy na bumubuti ang buhay sa tulong ng ARDCI ay si Bugsy.
INIWAN ANG BUHAY SA DAGAT
Namulat si Bugsy sa buhay pamilyang dagat. Bagama'tmay kapansanan (polio) lumaki siyang masigasig sa pagulong sa kanyang mga magulang sa hanapbuhay na halos nkapako na sa karagatan sa Mayngaway, San Andres.
Pero 'di naglaon at nagpasiya si Bugsy na hindi siya habambuhay magiging isangmangingisda "lamang". Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at nagtungo sa Maynila upang hanapin ang ibang landas, Malayo sa aplaya na kanyang kinalakihan.
BUHAY MAYNILA
Nagpalipat-lipat ng trabaho si Bugsy sa siyudad at samut-saring karanasan ang kanyang hinarap sa kabila ng kanyang kamangmangan sa buhay Maynila. Pero pilit na sinasanay niya angsarili hanggang sa Maynila na niya natagpuan ang kanyang esposa at dun na rin sila nagsimulang buhay.
ANG SAPILITANG PAGBALIK SA MAYNGAWAY
Ang kahulihulihang trabahong hinawakan ni Bugsy sa Maynila ay ang pagiging operator ng projector ng isang sinehan sa Caloocan. Sa sobrang init at di kanais-naisna kalagayan sa trabaho ay tinamaan ng matinding sakit si Bugsy.
Sa pagbibigay ng katawan ay 'di na nakaya pang magpatuloy si Bugsy sa trabaho at nasudlok sa nakakabahalang sitwasyon ng kaniyang pamilya.
Sapilitang nagpasiya si Bugsy na dalhin ang pamilyapabalik sa Mayngaway hanggang manumbalik ang kanyang kalusugan.
Kinupkop sila ng mga magulang ni Bugsy at sa muli ay nabigyang lunas ang kalagayan ng buhay ni Bugsy sa pamamagitan ng biyaya mula sa karagatan.
SI BUGSY AT ANG ARDCI
Habang nagpapalakas ng katawan si Bugsy ay nabalitaan niya ang tungkol sa ARDCI at sa medaling salita ay nagging miyembro nito.
Tulad ng ibang miyembro siya'y nagsimula sa P5,000 na utang. Ang sumunod, ika nga, ay napakagandang kasaysayan.
ANG PAGBALIK LOOB SA INANG KARAGATAN
Ginamit ni Bugsy ang P5,000 sa pagbili ng segunda manong makinangpandagat. Kanya itong pina-arkila sa mga mangingisda at sa loob ng anim na buwan ay nabayaran niya nang buo ang unang utang.
Nasaundan pa ang utang na ito at muli ay ginamit ni Bugsy sa pagkalap ng mga kagamitang dagat na kanyang mapapakinabangan.
Habang lumalaki ang nauutang ni Bugsy ay mabilis ding umaasenso ang kanyang kabuhayan. 'Di nagtagal at naipundar ni Bugsy ang isang kumpletong sasakyang pandagat. Ito'y nagbunga pa ng isa…at isa pa…at Isa pa… at sa kasulukuyan aymay limang sasakyang pandagat na si Bugsy.
Samantala, si misis naman ay naiutang din niya ng pang sari-sari store a isnag babuyan sa likuran ng kanilang bahay.
Kung dati'y nakikitira sila sa mga magulang ni Bugsy, ngayo'y may sarili na silang lupang pinatatayuan ng munting tahanan.
TUNAY NA SA DAGAT ANG TADHANA NI BUGSY
Ang pagbabalik loob ni Bugsy sa buhay dagat ay maihahalintulad sa "prodigal son" kung saan taos-pusong niyakap ng inag dagat ang isang nanunumbalik na anak na matagal na nawala upang talikdan ang Buhay na nakagisnan kapalit ng nakasisilaw na panganyaya ng material na buhay sa kalunsuran.
At sa gitna ng napaka "inspiring" na kuwentong ito ay ang ARDCI, na nagging tulay upang makamit ni Bugsy at ng kanyang pamilya ang kaginhawaang ipinagkaloob ng Diyos sa mga tulad niyang handang matuto sa mga pangaral ng buhay para sa kaganapan ng munting pangarap.